Powered by Blogger.

Monday, July 2, 2007

Watta Week

It was a busy week for the people behind our Anluwage.Com unit. Kase naman po para talagang sumailalim sa isang major surgical operation ang web site natin. Maraming re-alignment, revisions, editing, blah, blah. We’ve wanted kase to give our visitors extreme online experience. ‘Yung tipong mawiwindang ang sino mang magkakakamaling magbukas ng web site na ito. Kailangan pag nabasa nila ang mga articles at features ay susugod na sila sa seminaryo at kumbento para magpari at magmadre. Ganito katindi ang aming motivation sa ngayon. And we are dead serious about it. Ha-ha-ha!

Kudos to our Editor-in-Chief Manong Piet dahil hindi nahahalata sa opisina nila na nag-e-edit siya ng mga articles during break time. Composed pa rin siya kahit na minimized-maximized, minimized-maximized ang drama ng browsers niya dahil baka makita ng immediate table neighbor niya ang pag-check niya sa mga emails namin sa kanya.

Samantala, halos sumuka na rin ng mga html codes ang aming mga nagdudunung-dunungan na web admin. Di kasi nila maintindihan kung bakit pag-click sa Editorial eh mga jokes ang lumalabas.

Siguro pinag-aaralan na ng mga lawyers ng Blogspot at Google kung paano nila kami ididemanda sa sobrang paggamit namin ng kanilang band with.

Madugo pala ang mag-maintain ng web site. Partida, nasa free platform pa kami. What more kung nasa sariling server?

Sisiw yan with God ‘s help siyempre. Ano ba naman ang kaya nating gawin nang wala yung Bossing sa itaas? Wala di ba? We are nothing without God.

We are blessed with 2 major reinforcements this week. First, Ate Ana Payod, our ex-Chair, who is now Mrs. Balla, has finally accepted writing one of our newest addition sa web, ang God-speak, despite her busy sked.

Malufet ang vision ni Manong Piet para sa column na ito. Masasabing hindi ka pwedeng magsimba hanggat hindi mo nababasa ang column na ito. Nakapaloob kasi dito ang mga Readings para sa bawat Linggo, may illustrations ng Gospel at may reflections pa na alternately isusulat ng Tres Marias. Kung sino pa yung 2 Maria, abangan na lang sa mga susunod na mga buwan. Sooner, baka mag-volunteer si Arnold Vidar, not to be part of the Tres Marias (hello!?), kundi upang magbigay ng mga recommended songs for each week with matching midi sequence. O san ka pa?

Second reinforcement is Ewha Lumabi. Isa sa pinakamabangis na illustrator ng Tanghalang Anluwage. Isang email lang ni Manong Piet sa kanya to help us come out with original Editorial cartoon and within no time, buong puso siyang tumugon, kahit pa ultimo ora. Thanks, Ewha. Sana tuloy-tuloy na, ha?

We are expecting more reinforcements coming in the next couple of months. May mga panggulat pa nga, na kahit mga members ay mapapa-OMG. Promise ‘yan. Just stick around.

Trust us, we’ll do everything and anything to glorify God and serve mankind sa pamamagitan ng Anluwage.Com. We are going to push all limits. Panindigan na natin na talagang tayo ay “Media for God, Servants on stage.”

All these hard work, Lord, all these pressures, all these headaches ay iniaalay namin sa Iyong kaluwalhatian.

No comments:

Post a Comment

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP